Saturday, September 10, 2011

seradura

hawakan mo ako
damhin
ang aking temperang sugon sa sumpong ng panahon
naro'ng kita'y pasuin ng aking pag-aalab
naro'ng kita'y ngiluhin ng aking panlalamig
pisilin
huwag mahigpit sapagkat baka ako'y magngalit
huwag maluwag sapagkat baka ako'y humulagpos
banayad
pihitin
ako'y paikutin sa iyong mga palad
langitngit ng bulitas ko'y iyak ng maluwalhating
paglilingkod sa iyo
mapakanan, mapakaliwa, pag-ikot ko'y
kababaang-loob na pagtalima sa iyong layaw
sapagkat sa banding huli, iyo pa rin
ang susing magbubukas at magpipinid
ng pintong iyong nais.


26 september 2004
sunday
about 10 pm

No comments:

Post a Comment