Saturday, September 10, 2011
jolibee
noong unang panahon ay may isang bubuyog na ang pangalan ay jolibee. sa kanyang malayang paglalayag sa banayad na hanging amihan ay may naaninag siyang isang pula at makintab na mansanas na tahimik na nananahan sa ibabaw ng mesang gawa sa tabla. naakit si jolibee kaya't nilapitan niya ito. hoy, kumain ka na ba? tanong ni jolibee sa mansanas. tanga, di ako kumakain. di mo ba nakikita? mansanas ako, ako ang kinakain. nagalit si jolibee sa mansanas kasi tinawag siyang tanga kaya't itinaas ni jolibee ang puwit niya, iniumang ang sting, bumuwelo, saka ubod bilis na bumulusok sa pula at makintab na mansanas na tahimik na nananahan sa mesang gawa sa tabla. bumaon nang buo ang sting ni jolibee sa malutong na laman ni mansanas at napunit ang mapula at makintab na balat nito, kasabay ng pagbulwak ng masagana at matamis nitong katas. sa lakas ng buwelo ni jolibee ay bumaon pati ang kanyang puwit sa malutong at makatas na laman ni mansanas. di na mahugot ni jolibee ang kanyang puwit kaya't nanatili na siyang nakabaon sa mansanas hanggang sa siya'y bawian ng buhay. hindi lang pala ang laman ni mansanas ang malutong, kundi pati ang kanyang halakhak.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment